Dali-dali akong naligo, kumain at nagtoothbrush. Habang nagbibihis biglang pumasok sa isip ko.
*Waaaah! Bagong section na ako? Hindi na ako sa B? Paano yun? Hindi ko p gamay ugali nang iba sa kabila. Bahala na!*
Sumakay ako ng jeep, iba yung pakiramdam ko. Kinakabahan ako.
Naramdaman ko yung pakiramdam nung unang unang pumasok ako sa U.E.
Yung tipong wala kapang kakilala, at bagong kakilala nanaman.
7:25 na, 5 minutes bago ang unang subject ko.
Pagakyat na pagakyat ko, nangingiyak ako.
Hahaha! Nakakatawa, kasi para akong bata. :/
Pero pagpanik ko, andun lahat ng kaklase ko.
Madaming bumati sa akin, pero hindi ko maiwasang mahiya. Kasi yung iba hini ko pa talag ganung nakakausap.
Nahihiya pa ako, pero alam ko makakaadjust ako. :)
Unang subject ko ang PsychTesting1. Si Ma'am Monce ang prof ko, unang araw agad may gagawin na.
Nachachallenge na naman ako, dahil last sem siya din ang prof ko sa PsychStat.(Puro may kaugnayan sa Psychology, kasi isa akong psychology? Hahaha! Kiddin' isa akong Psych Major.) Dahil sa kanya, nagawa kong magdefense ng maayos at exempted ako sa finals last sem. :) Kaya eto na naman, panibagong challenge. And I love challenges. ♥
Natapos na ang aking unang subject, sumunod naman ang AbPsych-Abnormal Psychology.
Wala kaming prof, kasi nagkakagulo sila kung sino ang magtuturo sa amin. Ganun din sa Physiology namin, wala kaming prof. Kaya halos tatlong oras ang break. Pfft! :/
Pagkatapos na pagkatapos ko sa mga subjects kong yun, dali dali akong pumunta sa 5th floor para kumustahin ang mga dati kong kaklase.
Pagdating ko sa room nila, nagkalaklase pa sila. Physics nila nun.
Pero since first day, palalabasin din sila ng maaga.
At tama nga ako, pagkalabas na pagkalabas niyakap ko kagad sila. >;D<
Sobrang namiss ko talaga sila.
May mga nagsasabi na:
- "Sana B ka pa din Au."
- Sayang, sana hindi ka lumipat. Ang bait pa man din ng prof namin."
- "Au! I Miss You!"
- "Baby Au! :("
Ang sweet nila no? :) Namiss ko talaga sila.
Well, moveon! :>
After nun, may next class ako sa technical writing at research.
Sa unahan ako umupo..
Pagpasok nung prof, tingin ko mukhang mataray na mabait.
Ang bait niya, alam mo kung bakit?
Bago magsimula ang klase, may vocalization muna.
♫♪ ♪A- E- I- O- U♪♫♫
Hahaha! Ang cool niya! :)
Tapos isa isang magbabasa ng isang SMS.
Tapos ipapaliwanag mo yun, at hahanap ka kung saan ang MAGIC SARAP word doon.
May isolation area pa sa loob ng room, saan kapa.
At bago matapos ang klase, ishashake muna ang hands.
Tatanggalin ang negative vibes. Washuuung! :x
Tapos magrerecite ng P.A. aka Positive Affirmation.
"Everyday, in every way.."
Ganyan yung simula, di ko pa kaabisado eh, kasi sabi niya "You should memorized it BY HEART" ♥
First day? Memorable day. :)
Pagdating ko sa bahay, bagsak agad sa kama.
PAGOOOOD. :)